SI ERNIE

SI ERNIE

SI ERNIE, ANG KAIBIGAN KONG ITA Sa alaala na lang malinaw ang dating yaman nila Ernie. Ang imahe ng dating malawak na lupaing tinutubuan ng samu’t saring mga gulay at prutas na makakain ng mga hayop at tao ay isang alaalang nananatiling buo sa kanyang pusong puno pa rin ng pag-asang matatamasa muli. Sagana sa pagkain at tubig ang buhay noon, bukang bibig ng kaibigan kong Ita nang magsimula siya magkuwento tungkol sa buhay nila noon bago pumutok ang Bulkang Pinatubo. Nakatingin siya sa malayo, kaliwa’t kanan ang pagtuturo habang pilit pinaiintindi kung gaano kalawak ang lugar nila noon. “Ang daming pagkain noon. Nagtatanim kami ng ampalaya, gabi, pinya. Madami!” Pagmamalaki ni Ernie habang ipinapakita kung gaano kalalaki ang mga gulay na naaani niya noon. “Ganito kalaki!” Idiniretso ni Ernie ang kanyang humigit kumulang limampung taong gulang na braso para ipakita na ganoon kalaki ang mga ampalayang inaani niya noon, ga-braso. Ganoon din daw halos kalaki ang mga isda na hinuhuli nila...
Read More